Mga Masasamang Espiritu ( Evil Spirits)

This one will be written in my native language. I don’t think I can write it in English that well. And if I do so, it would mean headaches to most people who’d be reading this.

I hope Google could do the trick.

 

Sa ating mga Pinoy, kapag sinabi na “masamang espiritu,” ang unang naiisip agad ay mga multo. Kasama na din siguro dun yung mga maligno at iba pang mga nakakatakot na makikita sa movie na Panday. Yung iba naman ay makikita sa Shake, Rattle and Roll series.

Kung minsan tuloy, kapag medyo “minanalas” ang isang tao o yung isang lugar, ang sinisisi ay yung mga maligno. Pag madaming naaaksidente sa kalye, may White Lady. Pag umihi sa kung saan at lumaki o namaga ang ano nya at yung kuwan nya, may duwende o nuno sa punso. At marami pa sigurong iba na hindi ko na alam.

Gaya sa pinagtatrabahuhan kong kumpanya. Yung branch namin ay isang gusali na matagal ng walang umuupa. Dati syang eskwelahan na may tatlong palapag. Ginagamit namin yung una at ikalawang palapag. yung ikatlo ay bakante.

Sabi ng mga kasamahan ko ay may nararamdaman sila na kung ano. Kesyo may animo na dumadaan sa gilid nila, o may imahe sa kung saan. O kaya naman ay may umuungol o nagsasalita. At ito yung napagkakabiruan naming dahilan kung bakit mahina ang benta namin. Kaya nga nasabi ng isang kasamahan ko na dapat ay magpamisa kami. para daw umalis yung masasamang espiritu.

Napaisip ako. Baka naman hindi yung mga masasamang espiritu na ganun ang problema? Baka naman ibang masamang espiritu yung  dapat na masupil?

Teka. Anong masamang espiritu ba yung tinutukoy ko?

Hindi ako relihiyosong tao. At ayaw ko sana na maguusap ng ukol sa ganun dito. YUng mga ganito ksai ang nagiging tumpukan ng mga pagtatalo at debate. Pero kelangan kong isulat ito dahil ito ang laton ng account ko na to: ang ipakita yung mga hindi nakikita ng ibang tao. At sa kasong ito ay yung tungkol sa mga masasamang espiritu na kinakatakutan natin.

Eh ano nga ba yung masamang espiritu na yun? Sa Biblia, nagpapalayas ng mga masasamang espiritu ang Cristo. May part ng istorya na yung mga pinalayas nya ay nagpuntahan sa mga baboy. At nagpakamatay yung mga baboy.

Sa bautismo, yung nabautismuhan ay umaalis yung masamang espiritu sa kanya at naghahanap ng ibang mapapamahayanan. At kung san sya makapamahay, sasama yung tao na yun.

Yung espiritu na yun, ay yung mararamadaman mo sa isang tao na may maling ginagawa. Nadidiwaan yung o nararamadaman. Pag may ginagawa syang mali, kahit patago, mararamdaman mo yun. Lalo kung matalas yung pakiramdam mo sa ganung mga bagay. 

At may nadidiwaan ako sa mga kasama ko sa trabaho. Kahit na ba iba ang sinasabi nila, iba yung ipinapakita ng galaw nila – pati na din ng tono ng boses. May kasama ako na palatalo. mayroong nagaangat sa sarili. May nananaghili. Mayroong may masamang mata. Mayroon yung umaalipusta sa pagsakop ng namiminuno sa amin.

Ito yung mga masasamang espiritu na “natatago” sa puso ng tao. At nakikita ko to. Sa palagay ko, hangga’t hindi nasusupil ang mga ito, hindi kami makakausad.

Advertisements
Tagged with: , , , , , , , , , , , ,
Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: